⚠️ Important Notice: Unauthorized Agents and My 050 Number Purchases

Nais naming paalalahanan ang lahat ng users na maging maingat sa pagbili ng My 050 numbers. Aming napag-alaman na may mga unauthorized agents na nagbebenta ng My 050 numbers na walang tamang awtorisasyon o pagsunod sa aming terms at conditions.

Upang matiyak ang legalidad at validity ng inyong My 050 number account, aming ipinapayo na huwag bumili sa mga unauthorized agents. Sa halip, direktang makipag-ugnayan sa Brastel Customer Service Center para sa tamang pagkuha ng My 050 numbers.

Paalala: ang pagbili ng My 050 numbers mula sa unauthorized agents ay maaaring magresulta ng account termination o iba pang issues. Upang maiwasan ang anumang abala o potensyal na panganib, mangyaring makipag-ugnayan sa aming Customer Service Center para sa reliable at authorized My 050 number services. Maraming salamat sa inyong lubos na pang-unawa at kooperasyon. 
Brastel Telecom